...Ang kuwento ng mga kontrabida sa teleserye at totoong buhay...
Sabi nga nila ang pag-ibig hahamakin ang lahat. Ito ang nagpapaikot sa mundo. Love is blind. Love is all that matter,
faithful and forever...
Paano nga ba umiibig ang mga walang puso?
Kung teleserye ang pag uusapan, unang-unang nangyayari ay ang inggitan( dito kadalasan ang kontrabida ay babae,
mayaman siya at nakukuha nya ang lahat pero ang pinili nang poging lalake ay ang mahirap at mahinhin na bida...)
Susundan ito ng pagkabuo ng galit at poot sa kanyang puso. Di maglalaon magbabalak na siyang sila ay papatayin
( kung hindi na mahal ng kontrabida ang lalake) o siya ay papatayin(kung mahal nya parin ang lalake)
Gagawin niya ang lahat makuha nya lang ang palagay niyay sa kanya, subalit makuha man nya ang lalaking gusto nya,
hindi naman nito maibibigay ang pag-ibig na hinihingi nya.
Sa huli, maiisip niyang kung mahal niya talaga si lalake, hahayaan niya itong maging masaya, kahit pa hindi siya parte
ng kasiyahang yun.
Maraming kontrabida ang ganito ang drama sa totoong buhay. Ang ilan, kahit alam nilang di sila masusuklian ng
pag-ibig na hinihingi nila, sige parin ng sige, sa isip kasi nila, " Baka balang araw matututunan niya rin akong mahalin."
No comments:
Post a Comment