Tuesday, February 10, 2009

Rep0st:Ui! Pinoy mube yan - nuod tayo!

Galing to sa multiply( by Peds ).nasiyahan lng ako..basahin nyo rin...

PANU malalaman kung Pinoy movie ang pinapanuod mo? let's watch!!!

  • Sasayaw ang loveteam kung minsan my kanta pa, at hnd lng bsta kanta, nasa likod pa ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind ng puno at naghahabulan pa.
  • Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.
  • Ang kontrabida laging tumatawa ng (bwahahahahahhahahaha).
  • Ang kontrabida lagi si Pacquito Diaz.
  • Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang mga pag-aaral ng mga ito habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng "Inaaayyy" o kaya kung minsan sinisisi pa ang nsa taas, (na may ulan-ulan kuno)" at mangangakong ipaghihigante ito. Moral lesson: Ang pansit ay nakakamatay.
  • Kapag may magkaribal na babae, 'uyung mabait derecho ang buhok at may bangs. "yung salbahe, laging kulot, kung minsan ms makapal ang make-up".
  • Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
  • Sa pinoy movies, kapag tumakbo and bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
  • Ang laging sagot ng mga nanunuod ay "UTOS NG DIREKTOR", panu ba naman expected na dapat gawin yung tama... my paligoy-ligoy pa.
  • Sa pinoy movies, laging my tumataob na sasakyan pro hindi lng basta taob, irarampa niya ito sa isang construction road site para my effects na sumasabog... (tama ba?)
  • Kapag nagugulpi ang bida o kaya sobrang naapi mgbibitaw to ng mga malulupit na lines na nsa putikan na ubod ng dungis at uhog "BABANGON AKO AT DUDURUGIN KITA o kya BABALIKAN KITA, MAY ARAW KA DIN".
  • Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng mananaggal, si Vangie Labalan ang lider. (dapat laging nglalaway)
  • Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula: "ISANG BALA KA LANG or KAPAG PUNO na ANG SALOP"
  • Si Fernando Poe ang may pinakamalupet na gulpihan scenes, the famous "POMPYANG". tugutugutug wapaK!
  • Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, "Mga bata."
  • Lahat ng Goons - goons tlga ang face as in gusgusin na mga tambay sa kanto naka-leather suit at denim jeans na kupas. (lagi silang naka- carbine).
  • Kapag natatamaan ang mga Goons, bumabaril pa ng huling hirit.
  • 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitawan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida at 'yung bida ang papagitnang kalsada. Naka-cross arms ang bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, "Kuyaaa!" Next scene: nasa ospital sila. simula na ng drama.
  • Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Love-making na sila.
  • Kapag nsa beach ulit, at magkikita ang loveteam dapat tumatakbo papunta sa designated spot ng camera at bubuhatin ng bidang lalaki ang leading lady at papaikutin ito sa ere sabay slow mo ng camera at pasok ng sounds na malupet (april boy songs).
  • Kapag sinabi ng kontrabida sa bida ang masamang niyang plano, sasabihin ng bida, "Hayop ka!" with fucking face.
  • Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
  • Ang nanay ng mayaman ay laging my pamaypay at bodyguards, at ang nanay ng mahirap ay nka-duster na butas at gulo ang buhok.
  • Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may maraming chikas na naka-hilira sa paligid ng pool na nagmamasahe sa kanya.
  • Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para pwde silang sumandal habang nag-slide dahan-dahan pababa, nakakumoy ang kamay sa sulat o kya sa ulo, todo iyak at kung minsan with matchin hagulgol na irritating sa tenga.
  • Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga INUTIL" sabay batok...
  • Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
  • Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
  • Kapag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach lagi o resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.
  • Kapag agawan na ng baril ang kontrabida at bida laging my natatamaan ng bala sa paligid nila.
  • Laging hinahanap ng mga kontrabida ay ang mga "EPEKTOS".
  • Kapag comedy naman dapat my slapsticks - batok kay pipoy o kya yung humaharurot na takbo ni don pepot sabay liko na sumusobra sabay sound effects ng kotseng ngddrift, o kya my nadadali na sidekick ng bida.
  • Laging namamatay si daboy sa movie niya.
  • Kapag my namamaalam na kapwa bida, laging ito mgbibitaw ng malupit na linya "IKAW na ANG BAHALA" matapos mabitawan ng linya sabay "ARGHHHH" ibig sabihin nalagutan na with matching ulo... sabay aruga ng bida.
  • HINDI NA NAWALA ANG LOVETEAM. panahon pa ni dolphy meron na. (how I still remember TGIS the movie)
  • Kapag si Andrew E. ang bida lahat ng magagandang babae dapat mahalikan niya.
  • Kapag nasa weekday telenovela or kahit spoofs lng, tulad ng esperanza at mula sa puso... ginagawa na nilang movie. (isipin mo ang haba na nun, tpos my movie pa - kya nun hindi uso manuod ng t.v ng gabi, mas masarap pang magsungka).

Kung meron pa kayong alam at pwdeng idagdag - just leave a comment...

NGAYONG ALAM MUNA sana manuod ka parin "tangkilin ang sariling atin" - oh yeah (nahawa ako sa mga malulupet na banat)

No comments:

Post a Comment