Monday, February 16, 2009

Galit ako sa'yo. Pramis.

Ang pangit naman nya sabi mo,ngumiti lang ako.Ay ang laswa nilang tignan diba?,ngumiti parin ako.
Nagsalita ka,nakinig ako,nagsalita ako...Binara mo ako.
SINO ka ba sa akala MO?
Sabi mo noon di ka magbabago,ayaw mo sa mga ganyang bagay,tutuparin natin ang mga pangakong tayo lang ang naniniwalang pangako talaga yun. Pero kahit anong gawin mo, darating ang araw na mag iiba ang gusto ng isang tao. Mula sa pag kilos,pagsasalita,hanggang sa pananaw sa buhay.At isa ka dun.

Na culture shock ka ba? Ano ba talagang NAngYari! nakakainis ka na.Di na kita masakyan. Ang akin lang naman umayos ka ng MARANGAL at DAKILA! aysin mong buhay mo! Matuto kang mahiya!

Alam kung naniniwala ka sa kasabihang," Ikaw lang ang nakakakilala sa tunay na ikaw" kaya lang kung ikaw maggagaganyan..susme.TUMIGIL ka ngayon DIN.

Akala mo ikaw ang inaapi dahil pinag uusapan kana,pero alam mo ba kung bakit ka pinag uusapan? at alam mo ba kung bakit di mo alam na pinag uusapan ka? Kasi TANGA ka.

Pinag uusapan ka ng Madlang Pipol dahil nagsisinungaling ka para tanggapin ka ng Madlang Pipol.

Noon ayaw kung isipin na talagang nagbago ka na pero dahil sa ginawa mong pag iiwan sa akin at pagsama sa boypren mo nung PUPUNTA sana tayo SA ISANG palabas at talagang nagmukha akong tanga kasi nga iniwan mo ako bigla----muntik ko ng mapunit ang hinahawakan kung notebook nun. Okay lang naman sana kung sinabihan mo ako nang mas maaga ng di na tayo tumuloy sa lakad natin.Natanong ko nga,kaibigan "ko ba talaga ito?

Nasaan ka na?Nasaan na ang dating ikaw? miss na kita.pramis.Sana makapaglaro ulit tayo ng Invisible game gaya nung hayskul pa tayo.

----Para sa taong,masaya ako pag siya ay tulog dahil di sya nakakagawa ng kasalanan.

No comments:

Post a Comment