Tuesday, November 24, 2009

Si Brunner at Suddarth


hawak hawak ang berdeng libro....
akyat akyat sa hagdanan...
sagot sagot sa quiz...
tsk,kulang ng tatlong puntos para pumasa...
NaBadtriP...kaya kumain ng marami...
sumaya uLit..nakinig,nakinig...
****UWIAN NA ****

Ang luntiang libro na ngayoy may 11th edition na,kaya meron naring kulay orange.
Puno ng astig na impormasyon...
..pero kahit paborito ko to,minamalas ako sa mga quizzes..=[
Pero kahit na, mas astig naman xya basahin kompara sa ''Kozier''

.... Ikaw may Brunner & Suddarth ka ba?

Thursday, September 24, 2009

nocturnal___

bisi bisihan si etil da great...
>nhuman rajud ang Pharma...
study ntag NCM kay alas 5 na sa buntag..
LOL. may nasaksihan akong kahindighindig, Yak.

Sunday, August 23, 2009

Porpeyt Strikes Agen!

hayskul layp o may hayskul layp ay remember kaysaya
harhar!
lab.lab
XD

Wednesday, August 19, 2009

C2 days r Uber!

nakauli najud...

CChd =]

yey. !

pero mka miss ang ritual ni Tin.tin ug ringtone ni Renz

hahaha

Thursday, July 30, 2009

pasalamat ka ,ur still Alive

bwisitness...
Linsyakness...
tarantadness...
kaineSSS!
My GessH!
Inuubos mo Powers ko!
PunyemaseN!
Nahiwalay ba dalawang Lobe ng Utak Mo?
Putekness na gArgantuan.

Pak syiT

Wednesday, July 29, 2009

Okatokat? di ah.

Di kelangang matakot...
Kelangan lang labanan ang kahinaan...



Tama!

Thursday, July 9, 2009

Tagtuyot sa lalamunan

Praktis ako ng praktis may uniporm nako..baket???

anim na araw na lang Capping na... ang tanong, makakanta pa kaya ako nyan?
wala na akong boses...dahil bumibirit ako palagi tuwing praktis..naks.
Ang totoo talaga me ubo sipon at konting lagnat ako...teka signs n symptoms byan ng Flu?
Newey masaya ako pag wala akong boses pero kung may halong sipon at Ubo..Linsyak kayo na lang.

Oceans will parttttttttt! Nations KAmmmmmmmm! AtDAH wisPeRRR of YOORRR KOLLL!
-BIRIT TO Da MAx DIBA?

Ubo
Ubo
Ubo

ACHOOOOOOO!!!

ooopppsss.sorry, Baka nahawaan ka ng Swine fLOWWW.

Friday, March 13, 2009

Hanggang 80 lng ba ang kaya ng Utak koh?

Ilang kape pa ang kailangang maubos

Ilang gabi pa na ang mata ay nakabuka

Ilang potokapi pa ang kaylangang basahin

at ilang libro ang kailangan buklatin

Ubos na ang marker

bolpen ay naiwala pa

Hinihingan ng papel galit na

Magulang ay umaasa

Bilang na mga araw para sa Final Exam ay heto na...ang tanong,

NAKABAYAD KANA BA?

Clearans mo, puno na ba ng pirma?

Kumusta na ang C.P nyo? tapos na ba?

Hahayyy.

Inuman nalang ba ang kasagutan sa mga problema?


----------Oras na para itigil ito...harapin ang mga Libro...at sabihing Kaya ko Ito!-------------






Tuesday, March 3, 2009

_My so called Friends_


I have a lot of friends and not just friends but one of a kind friends.... These Friends i'm talking about makes me happy when I'm sad, teach me to laugh at my own mistake and accept me for being a VAMPIRE!----Joke>>>accept me for being who I am -Tsar! These Friends of mine are classified to groups---hahaha. and this are the following: Porpeyt, Burubutu, Assorted and the latest- 50centsMarie! For believing with me,for dreaming with me,for surviving with me and for joining me in all of my whirlwinds of adventures, >>>>>>even if its Corny>>>>>THANK YOU So Much my beloved FRIENDS!!! So to my Friends >>> No matter what----Friends For Life .

What's with mah Name?

My name is Ethel Ann Jon M. Azarce. ethel ann JON... JON? why JON? As what my mom told me, they really wanted to have a baby boy but after giving birth to my 2 sisters, my mother decided that whether the youngest will be a boy or a girl, its name will have Jon or Jun, but it is a girl so --- JON. When I was still in kinder I thought that jon-jon is just a nickname and when somebody ask for my name they always thought its LITTLE and not ETHEL (pangag eh,dli matarung ug lituk.) Until I realize that Jon is really part of my name so-----ACCEPTANCE. But its okay I love my name as much as I love my dream name which is PILAR----hahaha. By the way "ethel" came from-THELma which is my mothers name and "ann" came from rolANdo my papas name.and jon---came from the ideas of my parents--hahaha.luv u ma,pa. Thats all. BUMSKALA!!! =]

Sunday, February 22, 2009

"Paano nga Ba Umibig ang mga Walang Puso"

...Ang kuwento ng mga kontrabida sa teleserye at totoong buhay...

Sabi nga nila ang pag-ibig hahamakin ang lahat. Ito ang nagpapaikot sa mundo. Love is blind. Love is all that matter,
faithful and forever...

Paano nga ba umiibig ang mga walang puso?
Kung teleserye ang pag uusapan, unang-unang nangyayari ay ang inggitan( dito kadalasan ang kontrabida ay babae,
mayaman siya at nakukuha nya ang lahat pero ang pinili nang poging lalake ay ang mahirap at mahinhin na bida...)

Susundan ito ng pagkabuo ng galit at poot sa kanyang puso. Di maglalaon magbabalak na siyang sila ay papatayin
( kung hindi na mahal ng kontrabida ang lalake) o siya ay papatayin(kung mahal nya parin ang lalake)

Gagawin niya ang lahat makuha nya lang ang palagay niyay sa kanya, subalit makuha man nya ang lalaking gusto nya,
hindi naman nito maibibigay ang pag-ibig na hinihingi nya.

Sa huli, maiisip niyang kung mahal niya talaga si lalake, hahayaan niya itong maging masaya, kahit pa hindi siya parte
ng kasiyahang yun.

Maraming kontrabida ang ganito ang drama sa totoong buhay. Ang ilan, kahit alam nilang di sila masusuklian ng
pag-ibig na hinihingi nila, sige parin ng sige, sa isip kasi nila, " Baka balang araw matututunan niya rin akong mahalin."

Monday, February 16, 2009

Bawang para Lagnatin ng Panandalian!

epektib po ito! akin ng nasubukan noong akoy Grade 6! at talagang iinit ang katawan mo...na parang nilalagnat ka talaga!
Paano ba gagamitn ang bawang? Simpleng simple! heto kung paano:

1. maghanap ng bawang sa kusina.
2. tadtarin ng di gaanong pino at kumuha ng dalawang piraso.
3. Magsuot ng sweater para madali kang pagpawisan at
4.ipitn sa magkabilang kilikili ang bawang.
5.umarte na parang nanglalamig at makalipas ang ilang minuto...
6. Janjaran! iinit na ang katawan mo at Nilalagnat kana kunwari!
source: nakita ko kasi noon sa isang episode sa Gimik na nilagyan ni carlo aquino ng bawang yung kilikili nya para di sya makapasok. Kaya lang sa kasamaang palad,nangamoy yung bawang dahil sa tagal nitong pagkakaipit at nahuli sya ng mama nyang nagsisinungaling)
...di ko pa alam ang scientific explanation nito.,alam nyo ba?)

Galit ako sa'yo. Pramis.

Ang pangit naman nya sabi mo,ngumiti lang ako.Ay ang laswa nilang tignan diba?,ngumiti parin ako.
Nagsalita ka,nakinig ako,nagsalita ako...Binara mo ako.
SINO ka ba sa akala MO?
Sabi mo noon di ka magbabago,ayaw mo sa mga ganyang bagay,tutuparin natin ang mga pangakong tayo lang ang naniniwalang pangako talaga yun. Pero kahit anong gawin mo, darating ang araw na mag iiba ang gusto ng isang tao. Mula sa pag kilos,pagsasalita,hanggang sa pananaw sa buhay.At isa ka dun.

Na culture shock ka ba? Ano ba talagang NAngYari! nakakainis ka na.Di na kita masakyan. Ang akin lang naman umayos ka ng MARANGAL at DAKILA! aysin mong buhay mo! Matuto kang mahiya!

Alam kung naniniwala ka sa kasabihang," Ikaw lang ang nakakakilala sa tunay na ikaw" kaya lang kung ikaw maggagaganyan..susme.TUMIGIL ka ngayon DIN.

Akala mo ikaw ang inaapi dahil pinag uusapan kana,pero alam mo ba kung bakit ka pinag uusapan? at alam mo ba kung bakit di mo alam na pinag uusapan ka? Kasi TANGA ka.

Pinag uusapan ka ng Madlang Pipol dahil nagsisinungaling ka para tanggapin ka ng Madlang Pipol.

Noon ayaw kung isipin na talagang nagbago ka na pero dahil sa ginawa mong pag iiwan sa akin at pagsama sa boypren mo nung PUPUNTA sana tayo SA ISANG palabas at talagang nagmukha akong tanga kasi nga iniwan mo ako bigla----muntik ko ng mapunit ang hinahawakan kung notebook nun. Okay lang naman sana kung sinabihan mo ako nang mas maaga ng di na tayo tumuloy sa lakad natin.Natanong ko nga,kaibigan "ko ba talaga ito?

Nasaan ka na?Nasaan na ang dating ikaw? miss na kita.pramis.Sana makapaglaro ulit tayo ng Invisible game gaya nung hayskul pa tayo.

----Para sa taong,masaya ako pag siya ay tulog dahil di sya nakakagawa ng kasalanan.

Why Did I Choose Nursing?

''I solemnly pledge myself before God and in the presence of this assembly, to pass my life in purity and to practice my profession faithfully.''--- that was part of Nightingale's Pledge.
Being in my 2nd level in Nursing i still cant imagine how to practice this profession faithfully but still manage to cope up with everything needed to pass this course.

Why did I choose this course? Well it is because of my mother's dream for me and I want to give her dreams a chance because I love my mother so much.

But When I was still In my first year in college, I really really don't like my course and I hate it because I don't like to care sick people and see people die in my arms or seeing them suffering.

Until I reach my second level in this course and there are lot of things that made me realize that nursing is indeed a course that really makes you a responsible person. It teach you to be patient enough and makes your English more wonderful when dealing with those nursing diagnoses...

I really like to be involve in making movies,writing books and pictures. I rather stay in house than in hospital. I want to hold a camera and not an injection BUT I LIKE MY COURSE
NOW. I know someday I will take the course that I really like and I will be able to meet J.K Rowling, Neil Gaiman, Michael Bay, Will Smith and the creator of Shrek and LOTR... =]

'' You Call IT NURSING, WE CALL IT LIFE."


Tuesday, February 10, 2009

Eyebags

Pagsapit ng dilim

Haharapin ang lagim

Ang mga naghihintay na libro

ay babasahin

Isa, dalawa, tatlong oras

Matay sumusuko
Apat , lima
Matay di maibuka

Pagsapit nang umaga
Haharapin ang problema
Bawal na nga maligo
Almusal ay nakalimutan pa
Bahala na, bastat
Exam ay masasagutan ng
Bonggang bongga.

Up coming Movies dis 2009!

1. Two Lovers (feb.13)

Joaquin Phoenix & Gwyneth Paltrow
...Drama- Romance toh..kaya senti- senti,


obyus na man siguro kung sino ang mga Bida dba?

3. Fast & Furious (April 3)

magbabalik si vin diesel at Paul Walker! yez!


4.Dragonball Evolution (April 8)

naa si Chow Yun-Fat Wohoo!


5. Crank 2: High Voltage (April 17)

si papa Jason Statham ..magbabalik rin! alabyuh!


6. Terminator Salvation ( May 21)

si CHRISTIAN BALE ANG BIDA>>ayayay.


7.Transformers: Revenge of the Fallen (June 26)

Shia Lebeouf is hotter dan ever! my golly!


8. Ice Age 3: Dawn of the Dinosaurs( July 1)

Scrat is back! wawaweee!


9. Harry Potter and the Half-Blood Prince ( July 17)

awooooh!!! si snape jud ang half blud prince,ug iyang gipatay si dumbledore...pootek..pero i still trust snape!


10. Avatar (dec.18)

nindut guro ni...



woops..ayaw sag ka excite mga pipol ..

TANDAAN: ito ay pawang U.S screeening pa..ang manila mostly ang naga sabay ug follow sa exact screening.., dri sa davao..after 2 or 3 mos. pa.. hahaha.

Rep0st:Ui! Pinoy mube yan - nuod tayo!

Galing to sa multiply( by Peds ).nasiyahan lng ako..basahin nyo rin...

PANU malalaman kung Pinoy movie ang pinapanuod mo? let's watch!!!

  • Sasayaw ang loveteam kung minsan my kanta pa, at hnd lng bsta kanta, nasa likod pa ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind ng puno at naghahabulan pa.
  • Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.
  • Ang kontrabida laging tumatawa ng (bwahahahahahhahahaha).
  • Ang kontrabida lagi si Pacquito Diaz.
  • Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang mga pag-aaral ng mga ito habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng "Inaaayyy" o kaya kung minsan sinisisi pa ang nsa taas, (na may ulan-ulan kuno)" at mangangakong ipaghihigante ito. Moral lesson: Ang pansit ay nakakamatay.
  • Kapag may magkaribal na babae, 'uyung mabait derecho ang buhok at may bangs. "yung salbahe, laging kulot, kung minsan ms makapal ang make-up".
  • Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
  • Sa pinoy movies, kapag tumakbo and bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
  • Ang laging sagot ng mga nanunuod ay "UTOS NG DIREKTOR", panu ba naman expected na dapat gawin yung tama... my paligoy-ligoy pa.
  • Sa pinoy movies, laging my tumataob na sasakyan pro hindi lng basta taob, irarampa niya ito sa isang construction road site para my effects na sumasabog... (tama ba?)
  • Kapag nagugulpi ang bida o kaya sobrang naapi mgbibitaw to ng mga malulupit na lines na nsa putikan na ubod ng dungis at uhog "BABANGON AKO AT DUDURUGIN KITA o kya BABALIKAN KITA, MAY ARAW KA DIN".
  • Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng mananaggal, si Vangie Labalan ang lider. (dapat laging nglalaway)
  • Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula: "ISANG BALA KA LANG or KAPAG PUNO na ANG SALOP"
  • Si Fernando Poe ang may pinakamalupet na gulpihan scenes, the famous "POMPYANG". tugutugutug wapaK!
  • Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, "Mga bata."
  • Lahat ng Goons - goons tlga ang face as in gusgusin na mga tambay sa kanto naka-leather suit at denim jeans na kupas. (lagi silang naka- carbine).
  • Kapag natatamaan ang mga Goons, bumabaril pa ng huling hirit.
  • 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitawan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida at 'yung bida ang papagitnang kalsada. Naka-cross arms ang bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, "Kuyaaa!" Next scene: nasa ospital sila. simula na ng drama.
  • Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Love-making na sila.
  • Kapag nsa beach ulit, at magkikita ang loveteam dapat tumatakbo papunta sa designated spot ng camera at bubuhatin ng bidang lalaki ang leading lady at papaikutin ito sa ere sabay slow mo ng camera at pasok ng sounds na malupet (april boy songs).
  • Kapag sinabi ng kontrabida sa bida ang masamang niyang plano, sasabihin ng bida, "Hayop ka!" with fucking face.
  • Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
  • Ang nanay ng mayaman ay laging my pamaypay at bodyguards, at ang nanay ng mahirap ay nka-duster na butas at gulo ang buhok.
  • Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may maraming chikas na naka-hilira sa paligid ng pool na nagmamasahe sa kanya.
  • Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para pwde silang sumandal habang nag-slide dahan-dahan pababa, nakakumoy ang kamay sa sulat o kya sa ulo, todo iyak at kung minsan with matchin hagulgol na irritating sa tenga.
  • Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga INUTIL" sabay batok...
  • Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
  • Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
  • Kapag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach lagi o resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.
  • Kapag agawan na ng baril ang kontrabida at bida laging my natatamaan ng bala sa paligid nila.
  • Laging hinahanap ng mga kontrabida ay ang mga "EPEKTOS".
  • Kapag comedy naman dapat my slapsticks - batok kay pipoy o kya yung humaharurot na takbo ni don pepot sabay liko na sumusobra sabay sound effects ng kotseng ngddrift, o kya my nadadali na sidekick ng bida.
  • Laging namamatay si daboy sa movie niya.
  • Kapag my namamaalam na kapwa bida, laging ito mgbibitaw ng malupit na linya "IKAW na ANG BAHALA" matapos mabitawan ng linya sabay "ARGHHHH" ibig sabihin nalagutan na with matching ulo... sabay aruga ng bida.
  • HINDI NA NAWALA ANG LOVETEAM. panahon pa ni dolphy meron na. (how I still remember TGIS the movie)
  • Kapag si Andrew E. ang bida lahat ng magagandang babae dapat mahalikan niya.
  • Kapag nasa weekday telenovela or kahit spoofs lng, tulad ng esperanza at mula sa puso... ginagawa na nilang movie. (isipin mo ang haba na nun, tpos my movie pa - kya nun hindi uso manuod ng t.v ng gabi, mas masarap pang magsungka).

Kung meron pa kayong alam at pwdeng idagdag - just leave a comment...

NGAYONG ALAM MUNA sana manuod ka parin "tangkilin ang sariling atin" - oh yeah (nahawa ako sa mga malulupet na banat)

Tuesday, February 3, 2009

Utangero/Utangera



Ayan na ayan na papalapit na sya!
Pitaka'y itago nang di nya makita
Kanyang problema ay agad sasabihin
Upang pagtanggi ay di mo naisin
Naiinis ka man, wala kang magawa
Dahil minsan sila’y nakakaawa